in

Halaga ng pamilya at pagkakaisa mangingibabaw sa huling misyon ng ‘A Soldier’s Heart’

Halaga ng pamilya at pagkakaisa ang mangingibabaw sa huling paghaharap ng magkalabang magkapatid sa huling linggo ng “A Soldier’s Heart.”

Sinubok man ng ilang trahedya at hindi pagkakaunawaan, nagkasundo na ang magkapatid na Alex (Gerald Anderson) at Elmer (Vin Abrenica) para bigyang katarungan ang kanyang namatay na amang si Dante (Rommel Padilla).

Kasama ang kanilang ka-grupo na sina Abe (Carlo Aquino), Michael (Nash Aguas), Benjie (Yves Flores), Phil (Jerome Ponce), Jethro (Elmo Magalona), at Lourd (Sue Ramirez), lulusubin na ng magkapatid ang kampo ni Saal (Sid Lucero).



Ngunit pagdating sa kampo ng kalaban, mangingibabaw pa rin kay Alex ang ninanais nitong pagkakaisa at kukumbinsihin ang kapatid na si Saal na hindi patayan ang solusyon para makamit ang kalayaang inaasam.

Sa kanilang huling paghaharap, ibaba kaya ni Saal ang armas o tuluyang isa sa kanila ang kailangang mag-alay ng buhay?

Samantala, patuloy ang pag-apaw ng saya at lungkot ng mga netizen sa The Final Salute ng “A Soldier’s Heart” kung kaya nag-trend ang hashtag nitong #ASHTheFinalMission nitong Lunes (Setyembre 15).

“Monday pa lang ito kabog na paano pa ang mga ekensa sa huling apat na araw?Pero nalulungkot ako dahil ilang araw na lang,” sabi ni Twitter user @amikaelaak.

Tweet ni @Oren_0007, “Kudos sa writers’ pool. Mula sa saliksik, brainstorming, pagsusulat, editing at On-going taping, grabe! Kailangang mapanood talaga ito saan mang panig anumang platform. It deserves an award thereafter! Sepanx!”

“Parang mas mahirap magtweet ngayong finale week, kasi ang hirap kumurap habang nanonood sa mga ngyayare,” komento naman ni @JustMeMonic.

Para naman kay @JhonMontejo5, “Dear Benjie, Thank you kasi andami kong natutunan sayo sa character at pagiging totoo mo nakaamin na nga pala ako sa taong mahal ko ng dahil sayo. Maraming salamat sa karakter mo. Mahal kita.”

Napapanood ang “A Soldier’s Heart,” gabi-gabi sa Kapamilya Online Live, Kapamilya Channel tuwing 9:20 PM at iWantTFC. I-download lang ang app sa Google Play o App Store, o bumisita sa iWantTFC.com.

Para sa updates, sundan lamang ang ABS-CBN PR sa Facebook (fb.com/abscbnpr), Twitter (@absbncpr), at Instagram (@abscbnpr).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Comments

0 comments

Pinakabagong Thai series na ‘I’m Tee, Me Too,’ mapapanood na sa iWant TFC ngayong Biyernes

Barbie Forteza, napaiyak ni Rovilson Fernandez?