in

Glaiza de Castro, enjoy sa Baler

Sinusulit ni Kapuso actress Glaiza de Castro ang pag-stay niya sa kanilang beach house sa Baler, Aurora. 

Noong Martes (July 28) ay masayang nakipagchikahan at kumustahan si Glaiza sa Mars Pa More hosts na sina Iya Villania at Camille Prats bilang parte ng weeklong anniversary special ng programa. Ipinasilip ng aktres ang rooms at amenities ng kanilang bed and breakfast na kung tawagin nila ay Casa Galura. 

Aniya, “Nagsimula ‘yung idea ng bed and breakfast around 2 years ago noong nag-ocular kami dito sa Baler. Nakita namin itong property and parang maganda siyang i-develop. Nagkaroon ako ng idea from my travels.”



Apat na buwan na magmula ng abutan ng lockdown ang aktres sa Baler at hindi raw niya pinagsisisihan ang kanilang desisyon na manatili sa probinsya, “Good decision talaga na nagpunta kami dito. Isa ‘yun sa mga na-realize namin during lockdown na napakaganda talaga ng lugar na ‘to. Dati kasi tuwing weekends lang kami umuuwi. Ngayon, nakilala ko na ‘yung community, may friends na ko. Sobrang accommodating nila, sabi ko nga sa kanila parang ayaw ko ng umuwi ng Manila.”

Ngayong Huwebes (July 30) ay makakasama naman nina Iya at Camille ang Kapuso couple na sina Barbie Forteza at Jak Roberto sa Mars Pa More, 8:50AM, sa GMA Network. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Comments

0 comments

Rocco Nacino, ipasisilip ang bahay sa ‘Sarap, ‘Di Ba?’ ngayong Sabado

Sanya Lopez, may electrifying scene sa ‘Wish Ko Lang!’