in

Gil Cuerva, pangarap maging sportscaster

Nagkaroon ng masayang virtual bonding session ang Kapuso actor at TV host na si Gil Cuerva sa kanyang fans at supporters.

Sa kanyang Kapuso Brigade Zoomustahan, ibinahagi ng aktor ang ilang personal stories tungkol sa kanya.

Naikwento niya sa fans na kung nagkataon na hindi siya naging artista, possible raw siyang naging isang sportscaster. “Mahilig kasi ako sa sports. If hindi siguro ako artista, siguro magiging sportscaster ako or sports journalist,” ani Gil.

Isa ring option para sa kanya ang magtrabaho sa kanilang family business.

“Kung hindi ‘yun, my dad has a logistic business. Maybe that would be an option, to work for my dad. Pero ang hilig ko talaga ay sports. Especially basketball,” dagdag ng Taste Buddies host.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

GMA Pinoy TV, maraming sorpresa sa 15th anniversary!

Rhian Ramos, aminadong isa nang ‘quarantita’