in

Gabbi Garcia, ibinida ang closet tour

Pagkatapos ng house tour, closet tour naman ang latest vlog ng Kapuso actress na si Gabbi Garcia. 

Ipinasilip niya sa fans ang designer shoes, bags, clothes, at ang mga go-to fashion items niya. Minimalist pero glam ang theme na napili niya para sa walk-in closet na may mini-lounge, multi-mirrored fitting room, at isang refreshments area para sa team niya. Kapansin-pansin din ang pink accents at gold finishing sa buong closet.

Dagdag na kuwento ni Gabbi, kapag may out-of-the-country trip siya ay gusto niyang nag-uuwi ng souvenirs na kadalasan ay damit, bag, or sapatos.



Samantala, napapanood pa rin si Gabbi sa rerun ng ‘Encantadia’ gabi-gabi sa GMA Telebabad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Comments

0 comments

‘Wowowin,’ may handog na bagong sorpresa

Heart Evangelista, enjoy sa shooting range kasama ang asawa