in

Francine Diaz, bagong mukha ng Dr. Alvin skin care products

Si Francine Diaz na isa sa mga pinaka-in demand na batang aktres ngayon ang pinakabagong endorser ng Dr. Alvin Skin Care Products para sa kanilang bagong Rejuvenating Set.

Nananatiling totoo sa slogan na “Gandang Angat, Gandang Dr. Alvin”, ang brand na isinunod ang pangalan sa founder nitong si Dr. Alvin Matulac ay pinili ang isa sa mga bida ng teleseryeng “Huwag Kang Mangamba” bilang bagong mukha dahil nababagay nababagay dito ang kanyang personalidad at karakter.

“Perfect ‘face’ for our brand si Francine. Maganda, confident at vibrant young lady. Bukod sa mga pisikal na katangian, nagustuhan namin na maganda ang ugali at meron nito si Francine. Palagi siyang magalang, masipag at mabait. At isa pa, palagi siyang nakangiti,” ani Dr. Alvin.


“Kayang kumonekta ni Francine sa kanyang mga kasabayan at followers. Nadarama naming mabibigyan niya ng inspirasyon ang kanyang mga tagahanga na alagaan din ang kanilang mga kutis. Seryoso siya sa kanyang ginagawa at nakapagpapalabas siya ng positibong enerhiya na madaling makaakit sa mga kapareho niyang mag-isip. Ang kanyang personalidad at karakter ay nagniningning. Sinasalamin niya ang kabataan, kagandahan at pagkababae na aming hinahanap sa mga magdadala sa aming pangalan sa larangan ng pangangalaga sa kutis,” sabi ni Dr. Alvin.

Kasabay ng paglulunsad kay Francine bilang bago nitong ambassador, hinihikayat ng Dr. Alvin, sa pamamagitan ng bagong rejuvenating set, na panatilihing malusog ang kutis bilang tayo ay nasa pandemya pa rin.

“Nagdala ng mga pagbabago sa ating pang-araw-araw na pamumuhay ang pandemya, katulad ng pagsusuot ng face mask at face shield para maiwasan ang pagkalat ng virus, madalas na paggamit ng alcohol o disinfectants at ang iba nama’y mas madalas na nagpapa-araw upang makuha ang benepisyo ng sunlight. Ang mga ganitong Gawain ay kadalasang nakakaapekto sa ating kutis. Ang paggamit ng disinfectants at mga PPE ay maaaring magdulot ng allergic dermatitis, contact dermatitis, at acne,” paalala ni Matulac. “Mahalaga ang tamang pangangalaga sa balat sa panahon ng pandemya upang mapanatili na maayos ang kutis at maiwasan ang mga ganitong problema. Pagdating sa pangangalaga sa kutis sa gitna ng pandemya, inirerekomenda ang paggamit ng facial cleansers/soaps, toners, morning cream, night cream, moisturizers, at sunscreen.”

Sinasalamin ng paglulunsad kay Francine bilang bagong endorser at ng Dr. Alvin Rejuvinating Set ang pagbangon ng mismong brand sa krisis sa kalusugan at kung paano nakasabay sa tinatawag na “new normal” dahil nakapagbukas rin ito ng maraming oprtunidad

Pagbabahagi ni Matulac, “Sadyang naapektuhan ng pandemya ang paraan ng mga mamimili sa paggastos, dahilan para baguhin nila ang mga nakaugalian na at mag-adapt sa panahon. Hindi yan naiiba sa pangangalaga ng kutis at sa buong industriya ng skin care; hinaharap natin ang restrictions kasunod ng mga lockdown, limitadong bilang ng mga tao lamang ang pwedeng pumasok sa mga establisyimyento na nakakapagbukas.”

“Nang magkaroon ng mga lockdown sa bansa, at pagsasara ng mga Negosyo, umisip kami ng paraan kung paano makakatulong sa mga tao na nawalan ng trabaho at kung paano sila kikita. Tinuruan naming sila na mag-online business at kung paano magbenta ng ligtas, de kalidad, at abot-kaya mga dermatologically-tested at FDA-approved na produkto,” saad niya.

Maaaring makipag-ugnayan sa Dr. Alvin sa pamamagitan ng Dr. Alvin Main Page sa Facebook, @dralvinmainpage sa Instagram, sa website nito: www.dr-alvin.com, o sa telepono: 8371-2510, 8373-1894, 0999-992-1492 and 0917-881-5672. Bukas sila para sa mga gusting maging Distributor, Wholesaler at Reseller sa buong mundo.