in ,

First team-up nina Barbie Forteza at Dennis Trillo, wagi sa ratings

Kilig to the bones si Barbie Forteza ngayong finally ay kawork na niya ang matagal na niyang showbiz crush na si Dennis Trillo!

Mukhang pinagbigyan talaga ang hiling ni Barbie na makasama ang kanyang crush kahit sa weekly anthology na ‘Daig Kayo Ng Lola Ko’ na sakto namang pagbabalik ng main host na si Gloria Romero.

Maliban sa trending sa Twitter, tinutukan din sa TV ang episode na ito na nakapagtala ng 11.7% laban sa movie na katapat na ‘The Haunted’ na nakakuha lang ng 7.7% ayon sa data galing sa NUTAM.