in

Faith da Silva, may technique sa paglilinis ng makeup brushes!

Tampok sa Wednesday episode ng online show ng GMA Artist Center na “I Know Right/IKR” ang ‘Anak ni Waray vs Anak ni Biday’ actress na si Faith da Silva kung saan tinuruan niya ang mga manonood kung paano linisin ang kanilang makeup brushes.

May tatlong simpleng paraan si Faith para gawin ito, gamit lamang ang mga bagay na madaling matagpuan sa loob ng bahay. Ilan sa mga kinailangan niya ay tubig, sabon, olive oil, at towel.

Ikinatuwa naman ng netizens na mahilig din mag-make up ang techniques na itinuro niya. 

Abangan pa ang susunod na life hacks na ibabahagi ng inyong paboritong Kapuso artists sa “I Know Right/IKR” tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes sa GMA Artist Center social media pages! 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Bea Binene, nagpasalamat sa Malaysian fans

Apat na Kapuso hunks, sasalang sa Quiz Beh!