in

Ez Mil, live na live ngayong Linggo sa ‘ASAP Natin ‘To’

Panalo ang inyong summer weekend dahil sa isa nanamang pasabog na concert experience mula sa paborito ninyong Kapamilya stars live na live ngayong Labor Day Sunday (Mayo 1) sa “ASAP Natin ‘To” sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Panalo ang inyong summer weekend dahil sa isa nanamang pasabog na concert experience mula sa paborito ninyong Kapamilya stars live na live ngayong Labor Day Sunday (Mayo 1) sa “ASAP Natin ‘To” sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Damhin ang Pinoy pride sa panalong performance ng Fil-Am rapper na si Ez Mil, live na live sa ASAP stage kasama ang pangmalakasang singer, Gigi de Lana.


Times three ang concert experience dahil sa mga trio kantahan ng mga paborito ninyong artista, tampok ang girl power performance nina AC Bonifacio, Charlie Dizon, at Jayda; at ang hugot biritan nina Martin, Gary V., at Moira dela Torre.

Maki-indak din sa matinding pop performance nina Darren, AC, at Chie Filomeno.

Abangan din ang sessionistas jamming nina Anji Salvacion, Angela Ken, Sam Cruz, Shanaia Gomez, KD Estrada, Diego Gutierrez, Jeremy G, Benedix Ramos, at Jordan Andrews kasama sina Nyoy Volante, Ice Seguerra, at JM de Guzman.

Todo-todo rin ang duet biritan ng New Gen Birit idols na sina Janine Berdin, Lara Maigue, JM Yosures, Sam Mangubat, JM dela Cerna, Reiven Umali, Sheena Belarmino, at Fana.

At huwag palampasin ang OPM classics tapatan nina Gary Valenciano, Martin Nievera, Jona, Erik Santos, Jed Madela, Ogie Alcasid, and Regine Velasquez sa “The Greatest Showdown.”

Live na live ang world-class summer concert treat mula sa longest-running musical variety show sa bansa, ang “ASAP Natin ‘To,” ngayong Linggo, 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.

Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.