in

Dingdong Dantes, nagkaroon ng kaibigang daga sa gitna ng quarantine?

Nakakatuwa ang kwento ni Descendants of the Sun lead actor Dingdong Dantes tungkol sa kanyang naging face-off sa isang daga na umaaligid sa kanilang lanai area. 

Isa nga raw sa mga natuklasan niya sa kanyang sarili ngayong quarantine ay ang kakayahang malabanan ang takot sa daga.

Aniya, “Sobrang matatakutin ako sa daga. As in talagang ‘pag may nakita akong daga o may malaman lang ako na mayroon sa tabi-tabi, magfi-freak out ako.”

Iba na nga raw ngayon. “Pero isang takeaway doon is, naging kaibigan ko na ‘yung isang malaking daga na umaaligid sa bahay namin kasi nakaya ko na mag-stand off sa kanya ng mga at least 3 seconds kasi ‘di siya umuurong, e. At least ngayon meron na kaming mutual respect kasi talagang inuurungan ko siya dati. Mukhang okay na naman kami,” kwento niya.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Boobay at Super Tekla, lungkot na lungkot sa pagsasara ng comedy bars ni Allan K

Michael V., super fan ni Iron Man