in

Dimples-Beauty at Andrea-Francine, mag-uubusan ng alas sa pagtatapos ng ‘Kadenang Ginto’

Susuungin ng apat na babaeng Mondragon ang pinakamalaking gyera sa kanilang mga buhay sa huling dalawang linggo ng top-rating teleserye na “Kadenang Ginto.”

Patuloy na mababalot sa paghihiganti ang mag-inang Romina (Beauty Gonzalez) at Cassie (Francine Diaz) laban kina Daniela (Dimples Romana) at Marga (Andrea Brillantes) hangga’t hindi nila nakikita ang pagbagsak ng isa’t isa.

Matapos ang pagkamatay ni Carlos (Adrian Alandy) habang ipinagtatanggol si Romina, iigting ang paniniwala ni Daniela na si Romina ang dahilan ng pagkawala ng lahat sa kanya, habang titindi naman ang poot sa puso ni Marga.



Gayunpaman, desidido rin si Romina na mapatunayan na ang lahat ng pagtatangka sa kanya at ng kanyang pamilya ay kagagawan ni Daniela. Ngunit mahihirapan si Romina na ilabas ang katotohanan dahil sa pagtulong ni Hector (Joko Diaz) at ng espiyang hindi pa niya kilala ang katauhan.

Patuloy naman ang pagtatago ni Cassie (Francine) upang ipalabas na patay na siya, samantalang manghihimasok sa gulo si Marga dahil sa kutob niyang buhay pa ang tiyahin.

Alin sa apat na buhay na kinadena ng pasakit ang matitira? Makalaya pa kaya sina Romina, Daniela, Cassie, at Marga mula sa sakit na nararamdaman?

Itinanghal na “The Battle of the Dragons” ang pagtatapos ng naturang serye na umere ng higit sa isang taon. Bukod sa mataas na ratings, nakapagtala ito ng milyon-milyong views sa YouTube at naging patok sa netizens ang mga meme na mula sa serye. Bukod naman sa Pilipinas, ipinapalabas din ito sa Myanmar at kasalukuyang umeere naman ang Indonesian adaptation nito.

Naging daan din ang serye sa pagsikat ng hit teen quartet na The Gold Squad, na binubuo nina Andrea, Francine, Seth Fedelin, at Kyle Echarri, na nakapaglunsad na ng kani-kanilang digital movies sa iWant at nakapaghakot na ng 1.8 milyong subscribers sa YouTube channel nila.

Huwang palampasin ang pagtatapos ng “Kadenang Ginto” sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon, sundan lamang ang ABS-CBN PR sa Facebook (fb.com/abscbnpr), Twitter (@abscbnpr), at Instagram (@abscbnpr).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Comments

0 comments

Dedikasyon ng mga sundalo sa “A Soldier’s Heart,” buong linggong tinutukan

‘Voltes V: Legacy’ ng GMA Network, nagsimula na sa casting