in

Dahil patok sa panlasa ng kanilang viewers, GMA Network may kabitserye na naman!

Hindi pa man tapos ang ‘Dahil sa Pag-ibig,’ ‘Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko’ at ‘The Better Woman,’ may isa na namang parating na na kabit-serye sa GMA Network!

Talaga namang hindi natin masisisi ang GMA Network na ito muli ang ihain sa kanilang mga viewers dahil ito ang totoong pumapatok sa panlasa ng kanilang mga viewers.

Ang ‘Magkaagaw’ according sa GMA Network ay tungkol sa isang pagkakasala na magiging ugat ng matinding galit sa pagitan ng dalawang babaeng magiging magkaribal, magkaaway, at habang buhay na magkaagaw.

Itinatampok sa ‘Magkaagaw’ teaser sina Sunshine Dizon, Sheryl Cruz at si Alfred Vargas na pinag-aawayan ng dalawa. Ito ang magsisilbing reunion project nina Sunshine at Sheryl na unang nagsama sa ‘Bakekang’ noong 2006.

Kasama rin sa teleseryeng ito sina Klea Pineda at Jeric Gonzales.

Abangan ang ‘Magkaagaw’ soon sa GMA Afternoon Prime.

Written by Catri Onay

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Kim Molina at Super Tekla, magkakaalaman na kung sinong mas may hatak

Pahayag ng biyuda ni Eddie Garcia, dineny ng GMA Network!