in

Confrontation scene nina Lovi Poe at Winwyn Marquez sa ‘I Can See You,’ trending!

Pinag-usapan ng netizens ang maanghang na confrontation scene sa pagitan ng mga karakter nina Lovi Poe at Winwyn Marquez sa ‘I Can See You: High-Rise Lovers’ nitong Huwebes.

Maraming netizens ang humanga at naka-relate sa elevator scene ng serye kung saan kinumpronta ni Samantha (Lovi) si Ysabel (Winwyn), ang kabit ng kanyang asawang si Luis (Tom Rodriguez). Sa eksena ay pasimpleng pinuna ni Samantha ang lipstick shade ni Ysabel at sinabing ‘kabit red’ daw kung tawagin nila ito sa cosmetic company kung saan siya nagtatrabaho.
 
Post ng isang netizen, “That ELEVATOR SCENE!! YALL!! Ramdam ko yung tindi ng emosyon sa salita pa lang. This confrontation scene doesn’t have to be violent or what, SALITA PA LANG PATALIM NA!”
 
Hanga rin ang viewers sa kakaibang k’wento at nakakadalang performances ng mga bida ng drama anthology, “This is the 3rd episode of I Can See You, every week it offers fresh setting, realistic storyline but all the characters delivered real performances, can’t wait for the 4th week with even high expectations.”
 
Tunghayan naman ang kuwento ng misteryo at pag-ibig sa huling installment ng ‘I Can See You’ na ‘Truly. Madly. Deadly.’ tampok ang real-life couple na sina Jennylyn Mercado, Dennis Trillo, kasama si Rhian Ramos ngayong Lunes (Oktubre 19) na sa GMA Telebabad.
 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Comments

0 comments

Rocco Nacino, may sariling stay at home challenge

ABS-CBN, ilulunsad ang bagong barkada na kagigiliwan ng viewers sa ‘Bagong Umaga’