in

Chris Tiu, excited sa bagong episode ng ‘iBilib’ ngayong Linggo

Inamin ng Kapuso TV host na si Chris Tiu na na-miss niya ang kanyang co-hosts at colleagues sa award-winning infotainment show na ‘iBilib’ matapos maantala ang kanilang taping at hindi magkita ng ilang buwan. 

Aniya, “I am very excited to go back to work to see my colleagues. This is the longest time we’ve been apart.”

Ngayong Linggo (August 16) ay may masayang fresh episode na handog sina Chris kasama ang kwelang tandem nina Roadfill at James ng Moymoy Palaboy para sa mga bagets na stuck at home pa rin ngayong quarantine. Paniguradong mage-enjoy ang viewers sa inihandang bagong science experiments at mapapabilib sa ipapamalas na inventions at tricks ng ilang special guests.

Samahan sina Chris at Moymoy Palaboy sa kanilang nakakabilib na science experiments at tricks sa fresh episode ng iBilib ngayong Linggo, 9:35AM, sa GMA Network.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Barbie Forteza, nawiwili sa pagluluto!

Ogie Alcasid at Moira dela Torres, nagsama para awitin ang praise at worship song na ‘Beautiful’