in

Charlie Dizon, nagsampa ng kasong rape sa ‘Viral Scandal’

Nagsampa na ng kasong rape si Rica (Charlie Dizon) laban kay Jigs (Markus Paterson) upang makamit ang hustisya

sa sinapit niya at pabulaanan ang pagsisinungaling nito sa mga tao sa tunay na nangyari sa viral video sa hit seryeng “Viral Scandal.”

Nang malabas ni Rica ang saloobin sa kanyang inang si Kakay (Dimples Romana) at makita kung gaanong naapektuhan


Agad ngang kinumpronta ni Bobby ang anak na si Jigs at pinaamin. Sinabi ni Jigs na nadala siya

nang makitang walang malay si Rica at ni-record niya ang panghahalay sa babae. Ibinunyag din niya na sinend niya

ito sa kanyang mga kaibigan at suspetya niya na si Archie (Vance Larena) ang nagkalat nito.

Sa kabilang banda, hindi naman mawala sa isip ni Kyle (Joshua Garcia) ang pagsagip niya kay Rica nang magtangka

itong magpakamatay.

Ano kaya ang susunod na hakbang nina Rica at Kakay? Paano naman kaya matutulungan ni Troy (Jake Cuenca) ang anak nang hindi nadadawit ang kanyang pangalan at reputasyon? Mahanap kaya ni Kyle si Rica?

Samantala, umaapaw pa rin ang papuri ng netizens tungkol sa show sa social media. Nagtrending nga ang hashtag ng episode na #ViralScandalConfessions pati na ang taglines na Pogs on Viral, Viral BeaPogs the Beginning, at si Aljon Mendoza sa Twitter Philippines. Umabot naman ng lampas 1 milyon views sa Tiktok ng RCD Narratives ang eksena nang pagtatanggol ni Bea (Karina Bautista) sa kanyang ina at kapatid.

Subaybayan ang “Viral Scandal” gabi-gabi ng 9:20 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, Jeepney TV, iWantTFC, WeTV iflix. Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.