in

Charlie Dizon, handang mamatay para sa pag-ibig sa ‘My Sunset Girl’

Hanggang saan ang kayang lakbayin para sa pag-ibig, kung ilalagay nito ang buhay sa alanganin?

Buong tapang na haharapin ng award-winning actress na si Charlie Dizon ang lahat – maging ang kamatayan – para sa inaasam niyang pag-ibig sa iWantTFC original series na “My Sunset Girl,” na mapapanood sa buong mundo ngayong Hulyo 14.

Mapapanood sa serye si Charlie bilang si Ciara, isang masayahing dalagang gustong matupad ang mga pangarap niya sa buhay sa kabila ng kanyang malubhang sakit. Ipinanganak siyang may xeroderma pigmentosum, isang kondisyong maaaring pumatay sa kanya kapag naarawan siya nang matagal. Dahil dito, pinagbabawalang lumabas ng bahay si Ciara at puro sa internet lamang siya nakakahanap ng mga kaibigan.


Ngunit bukod sa sakit ni Ciara, magsisilbing hadlang sa pagkikita nilang dalawa ang istriktong ina ni Ciara na si Melissa (Mylene Dizon), na pagbabawalan siyang makipagkita kay Lucas. Aabot din sa puntong susugurin ni Melissa si Lucas at pagsasabihan itong layuan ang anak.

Ang hindi naman alam ni Ciara, planado ni Lucas at ng tatay nitong si Elias (Joem Bascon) ang pagpapaibig at panloloko sa dalaga – mula sa pagkakakilala nilang dalawa online hanggang sa una nilang pagkikita sa personal.

Ano ang totoong dahilan ng paghihiganti ng ama ni Lucas sa pamilya ni Ciara? Ano ang mangyayari kapag nagkatotoo ang pag-ibig nina Ciara at Lucas para sa isa’t isa?

Kabilang din sa cast ng “My Sunset Girl” sina Lance Reblando, Ana Abad Santos, Jun Jun Quintana, Frances Makil-Ignacio, at Jonathan Tadioan. Ito ay idinirek ni Andoy Ranay at sa ilalim naman ng produksyon ng Dreamscape Entertainment at All Blacks Media.

Ito ang unang lead role ni Charlie pagkatapos ng “Fan Girl,” na nagbigay sa kanya ng Best Actress award sa Metro Manila Film Festival at Entertainment Editors’ Choice (Eddys).

Mapapanood na ang “My Sunset Girl” sa Hulyo 14, 8 PM sa iWantTFC app (iOs at Android) o sa iwanttfc.com. Mapapanood din ang iWantTFC sa mas malaking screen sa piling devices gaya ng VEWD, ROKU streaming devices, Android TV, piling Samsung Smart TV models, Telstra TV para sa users sa labas ng Pilipinas, at VIDAA para sa piling mga bansa. Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://iwanttfc.com/help#tfc-on-smart-tv.

Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWantTFC o sundan ang @iwanttfc sa Twitter at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC. Kung may mga katanungan naman, ipadala ang mga ito sa Facebook page ng iWantTFC o mag-e-mail sa [email protected]