in

‘Block Z’ promotions, apektado kina Joshua Garcia at Julia Barretto

‘Yung akala ng lahat na okay na, hindi pa pala…

Marami na sana ang natutuwa nang malamang “okay na” sina Joshua Garcia at Julia Barretto, mga bida sa movie na ‘Block Z’ na ilang beses nang nailipat ng playdate.

Noong January 11 lang sa presscon ng kanilang movie ay parang akala mo’y naibalik sa pagiging magkaibigan ang kanilang samahan dahil nagngingitian pa sila sabay pag-amin ni Joshua at Julia na namimiss nila ang isa’t-isa.



Pero isang araw pa lamang ang nakalilipas nang pumutok ang balitang nag-unfollowhan ang dalawa, damay pa si Janella Salvador na ang alam ng lahat, isang kaibigang-matalik ni Julia na katambal naman ni Joshua sa ‘The Killer Bride.’

Paano nangyari ang lahat ng ito?

“Mga artista nga sila,” sabi ng kasama namin sa panulat.

Last year sana ay naipalabas na itong obra ni Mikhail Red sa mga sinehan pero dahil pumutok ang isyu ng hiwalayan ng lead stars ng movie na ito na sina Joshua at Julia, sinabayan pa ng kaugnayan ni Julia sa hiwalayang Bea Alonzo at Gerald Anderson, talagang matetengga muna ito hanggang sa humupa na ang isyu. Pangit nga naman sa promo ang mga negative slant, sa halip na makatulong ay makakaperwisyo pa.

Sa January 29 na ang opening ng ‘Block Z’ at maraming nakukulangan pa sa promo ng pelikulang ito. Mukha pa namang maganda at hindi ito ang usual na offering sa Pinoy audience.

Written by Catri Onay

2 Comments

Leave a Reply

2 Pings & Trackbacks

  1. Pingback:

  2. Pingback:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Comments

0 comments

Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, buo ang tiwala sa ABS-CBN!

Taal evacuees, nakaramdam ng pagkalinga sa tulong ng ABS-CBN