in

BIGA10 Housemates ni Kuya, kumpleto na!

Sinong housemate kaya ang aangat ang galing sa loob ng bahay ni Kuya at tatanghaling Big Winner sa Big Night ngayong Linggo (Mayo 29)?

Papalapit na sa exciting part ang “PBB Kumunity” dahil nabuo na ang Biga10 housemates ni Kuya na maglalaban para masungkit ang titulong Big Winner.

Ang comeback housemates na sina Brenda Mage, Stephanie Jordan, Michael Ver Comaling, at Zach Guerrero ang nakakuha ng natitirang apat na slots para samahan sina Celebrity Kumunity Top 2 Anji Salvacion at Samantha Bernardo, Adult Kumunity Top 2 Nathan Juane at Isabel Laohoo, at ang Teen Kumunity Top 2 na sina Gabb Skribikin at Rob Blackburn bilang Biga10 housemates.