in

Betong Sumaya, ibinahagi ang realizations sa gitna ng COVID-19 pandemic

Bukod sa kanyang pamilya, nami-miss na ng Kapuso comedian at TV host na si Betong Sumaya ang kanyang trabaho, lalo na ang kanyang mga kasamahan sa Bubble Gang, Centerstage, at All-Out Sundays. 

Gayunman, maraming siyang realizations sa gitna ng mga nangyayari ngayon sa bansa. Aniya, “Naniniwala ako na sa panahon ng kagipitan, doon mo makikilala ang mga tunay mong kaibigan. Dahil hindi ako nakakapagluto at matagal din bago ako nakabili ng lutuan, dumating yung mga maituturing kong angels. Hindi talaga nila ako kinalimutan at lagi akong magiging thankful sa kanila. Sobra kong na-appreciate yung ginawa nila para sa akin.”

Dagdag pa ni Betong, “Sobrang mahalaga ang pamilya. Mag-isa ako ngayon dito sa place ko. Tiniis ko yung pangungulila at lungkot dahil bago mag-quarantine, medyo masama ang pakiramdam ko so ayaw kong makahawa ako sa pamilya ko pero buti na lang may technology dahil nakakausap ko pa rin sila araw-araw.”

Samantala, mapapakinggan na ang debut single ni Betong sa ilalim ng GMA Music, ang “Nang Minahal Mo Ang Mahal Ko” sa Apple Music, Spotify, YouTube Music, at iba pang digital stores worldwide simula bukas (Abril 28).

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Angela Alarcon, may tips kung paano i-manage ang anxiety

Ms. Everything at DJ Loonyo, nagpakilig sa ‘All-Out Sundays’ online show