in

Beach body ni Sanya Lopez, #1 trending sa YouTube!

Patok ngayon sa viewers at netizens ang recent episode ng primetime series na ‘First Yaya’ kung saan ibinida ni Sanya Lopez na gumaganap bilang Yaya Melody ang kanyang jaw-dropping beach body. 

Pumalo na sa 2.1 million views at number 1 trending ngayon sa YouTube Philippines ang naturang episode matapos lang ang ilang araw. 

Umani rin ng papuri mula sa netizens ang show dahil sa nakakaaliw na kwento at nakakahangang cinematography nito, “I really love this show. Sobrang ganda ng story, light lang and sobrang good vibes. Love the cinematography too. Sobrang galing ng cast! Congrats to the whole team of First Yaya!” 

Tinawag din si Sanya na isa sa ‘next big stars’ ng Kapuso Network ng ilang netizens, “Sanya’s beauty and charm is different! Grabe lakas talaga ng dating at karisma niya! And she’s acting naturally. I can say that she is one of the next big stars of GMA.” 

‘Wag nang magpahuli at tutukan ang nakaka-good vibes na kuwento ng ‘First Yaya,’ Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Performance ng MiKel sa ‘AOS,’ trending sa social media!

‘The Lookout’ ni Barbie Forteza, highest-rating ‘I Can See You’ episode