in

Barbie Forteza, matapang na haharapin muli si Coco Martin sa primetime

Pagkatapos ng ‘Kara Mia’ noong 2019, ‘eto na naman si Barbie Forteza at magbabalik sa GMA Telebabad sa remake ng ‘Anak Ni Waray vs. Anak ni Biday’ na unang ginampanan nina Snooky Serna at Dina Bonnevie.

Ito na ang pangalawang salpukan nina Barbie na itinuturing na Kapuso Primetime Princess at Coco Martin na talagang Hari ng Primetime ng ABS-CBN.

Itinuturing naman itong challenge ng Kapuso Princess na mukha naghanda sa muli nilang pagtatapat ni Coco.


Ang ‘Anak ni Waray vs Anak ni Biday’ ay movie ng Regal Films na ipinalabas noong 1984 sa direksyon ng yumaong direktor na si Maryo J. delos Reyes at sa panulat ni Jake Tordesillas.

Hindi man natalo ng ‘Kara Mia’ last year ang ‘FPJ’s Ang Probinsyano,’ hindi naman maikakailang kahit papaano’y gumawa ito ng ingay at naextend pa ito ng mahigit isang buwan.

Magsisimulang mapanood sa GMA Network ang ‘Anak Ni Waray Vs. Anak ni Biday’ simula January 27 pagkatapos ng ’24 Oras.’