in

Barbie Forteza at Jak Roberto, nag-reunite online para sa kanilang 3rd anniversary

Dahil stuck at home bunsod ng pinatutupad na quarantine, hindi nakapag-celebrate sa labas ang Kapuso couple na sina Jak Roberto at Barbie Forteza.

Pero hindi pinalampas ng dalawa ang pagkakataon na magkita online para ipagdiwang ang kanilang espesyal na araw. Para masulit ito, naglaro sila ng ‘Who’s More Likely To” challenge.

Sa latest vlog ni Jak, mapapanood ang kanilang paglalaro at dito ay napag-usapan nila ang tungkol sa kasal at kinuwento ni Barbie na gusto niya na raw mag-settle at the age of 28. Nagkaroon din sila ng pagtatalo kung sino raw sa kanila ang mas madalas mag-sorry.

Para sa kabuuan ng video, bisitahin lamang ang YouTube channel ni Jak. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Solenn Heussaff, nagbahagi ng tips para sa breastfeeding moms

Ina Feleo, ipino-promote ang Body Positivity