in

Bagong ‘GETS’ ng GMA Network, patok sa netizens

Bongga ang naging launch kahapon (August 2) ng GMA Entertainment Shows Online o GETS sa All-Out Sundays. Bumida ang bigating Kapuso stars tulad nina Dingdong Dantes, Marian Rivera, Alden Richards, Carla Abellana, Tom Rodriguez, Heart Evangelista, Glaiza de Castro, at marami pang iba.

Sa www.gmanetwork.com/GETS, mapapanood online, on-demand, at 24/7 ang iba’t ibang exclusive digital content mula sa GMA shows at Kapuso stars, kasama ang comedy capsules ng YouLOL, short films mula sa GMA TeleBahay, at ang masasayang episodes ng AOS Stay at Home Party. 
 
Tampok din ang ilang online game shows tulad ng Quiz Beh at E-Date Mo Si Idol, at ang talk shows na Just In at How Do You Feel.
 
Sa drama naman, mapapanood sa GETS ang Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday vlogs, lives streams ng Prima Donnas Watch From Home, DOTS How You Do It, at Let’s Talk Love ng Love of My Life.
 
Sa Twitter, certified trending ang #GETS. Kaya naman ang sagot ng netizens, “Gets ko!”

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0

‘Team Yey’ kinilala sa UPLB Gandingan Awards

Solenn Heussaff, mas masaya raw sa kanyang mom bod