in

Babaeng inabuso ng asawa, mabibigyan ng bagong buhay sa ‘Love in Sadness’

Panganib ang hatid ng nakakasakal na pag-ibig sa kwento ng pinakabagong Korean serye na ipapalabas sa ABS-CBN, ang “Love in Sadness.”

Matapos makilala bilang Sofia sa “I Have A Lover,” bibida rito si Park Han Byul bilang si Mari, isang babae na taglay ang kagandahan at kayamanan ngunit nakatali sa isang malungkot na pagsasama nila ng kanyang asawa na si Franco (Ryu Soo-Young).

Nabigo man ng ilang beses, mabibigyan ng pagkakataon na makalaya si Mari sa mapanakit na asawa at makikilala si Joseph, isang plastic surgeon. Matapos malaman ang kanyang kwento, tutulungan siya ng lalaki sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanya ng bagong mukha at pagkakakilanlan.



Sa kanyang bagong pagkatao, makakamit na kaya niya ang inaasam sa kalayaan at kasiyahan, o mahuhuli siya ni Franco at guguluhin muli ang kanyang buhay kasama si Joseph.

Panoorin ang pinakabagong Korean series sa ABS-CBN bago mag-It’s Showtime ngayong Marso 9 (Monday).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Comments

0 comments

Pagbabalik telebisyon ni Julia Montes sa ’24/7,’ winner agad sa puso ng viewers

ABS-CBN, nanatiling pinakapinanood na TV network noong Pebrero