in

Apl.de.Ap, Sarah Geronimo, Bamboo, at Lea Salonga, nagbabalik sa ‘The Voice Teens’ Season 2

Muling magsasama-sama ang orihinal na celebrity coaches ng “The Voice” na sina Apl.de.ap, Sarah Geronimo, Bamboo, at Lea Salonga para labanan ang isa’t isa at pag-agawan ang kampeonato sa bagong season ng “The Voice Teens” na magsisimula na ngayong weekend (Pebrero 8 at 9).

Bukod sa reunion nila, mas magiging exciting din ang bagong season dahil sa Block Button, na bibigyan ng kapangyarihan ang coaches na hadlangan ang isang kapwa coach na mapili ng isang teen artist.

Magkakabisa lang ang paggamit ng Block Button kapag ang coach na ginamitan nito ay iikot para sa isang artist. Sa pag-ikot ng coach, doon lamang makikita ng lahat na na-block siya ng kalabang coach.



Bawat isa kina Apl.de.ap, Sarah, Bamboo, at Lea ay may dalawang pagkakataong gamitin ang Block Button sa kabuuan ng blind auditions.

Siksik pa rin sa talento at puso ang bagong season dahil sa Pinoy at foreign artists na magpapakitang gilas ng kanilang talento at magbabahagi ng kanilang mga pangarap at kwento sa buong mundo sa tulong ng hosts na sina Alex Gonzaga at Luis Manzano

Maaari ring manood ng mas marami pang sorpresa sa online show, ang Voice Teens DigiTV, sa The Voice Teens Philippines channel sa YouTube kasama ang hosts na sina “The Voice Teens” Season 1 alumnus Jeremy Glinoga at ang online sensation na si KaladKaren.

Huwag palampasin ang pagsisimula ng blind auditions ngayong weekend (Pebrero 8 at 9) sa ABS-CBN. Para sa updates, i-like ang facebook.com/TheVoiceTeensABSCBN, sundan ang @TheVoiceABSCBN sa Twitter, at mag-subscribe sa The Voice Teens

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Comments

0 comments

ABS-CBN, kinilala dahil sa mga makabuluhang programa sa news and current affairs

Bongga! ABS-CBN, pinakapinapanood na TV Network sa simula ng 2020