in

Andrea Torres, bumilib kay Lauren Young

Naging eye-opening at malaman ang discussion sa latest episode ng “How Do You Feel: Usapang Artista” tampok ang mga aktres na sina Janine Gutierrez, Andrea Torres, Mikee Quintos, Thia Thomalla, Athena Madrid, Lauren Young at Cai Cortez. 

Pinag-usapan nila ang topic ng womanhood at kung paano nila ito ginagampanan sa kani-kanilang roles.

Kwento ni Andrea, humanga siya sa mga sinabi ni Lauren Young at mas nakilala pa niya ang aktres. Aniya, “Sabi ko nga after ‘eh ‘I love you Lauren!’ Sobrang open niya doon sa discussion na ‘yon and ang dami kong natutunan sa kanya, ang dami kong nakuha sa kaniya. And I guess ‘di ko pa siya nakaka-work before so first time ko makita siya magsalita ng ganoon. Nakakatuwa.”

Maaari pa ring mapanood ang episode ng “How Do You Feel: Usapang Artista” tungkol sa Womanhood sa GMA Artist Center YouTube channel at GMA Network Facebook page. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Ken Chan, may video para sa mga apektado ng COVID-19

Kapuso stars, magsasama-sama sa “One Heart for Baby Angelo”