in

Andrea Brillantes, kapit sa patalim sa ‘Huwag Kang Mangamba’

Pikit-matang susunod si Mira (Andrea Brillantes) sa sindikatong umampon sa kanya bilang kapalit ng kaligtasan niya sa mga tumitinding eksena sa “Huwag Kang Mangamba,” na napapanood sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Dahil sa pagbabanta sa kanyang buhay, kailangang matutong magnakaw ni Mira para patunayan ang katapatan niya sa sindikatong pinamamahalaan nina Thelma (Andrea Del Rosario) at Armand (Richard Quan).

Ngayon, abala si Mira sa paghahanda para sa bago niyang misyon sa tulong ni Elias (Christopher de Leon) at ng mga kapwa niya ampon.


Kumuha ng pag-asa at inspirasyon sa panonood ng “Huwag Kang Mangamba” gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, WeTV, at iflix. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood sa TV5 at A2Z ang mga bagong episode ng “Huwag Kang Mangamba.” Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.