in

Andrea Brillantes at Francine Diaz, magkapatid sa ‘Huwag Kang Mangamba’?

Pagkatapos pagtagpuin ni Bro ang kanilang mga landas, mapapalapit na sina Mira (Andrea Brillantes) at Joy (Francine Diaz) sa katotohanang magbabago sa kanilang buhay sa teleseryeng “Huwag Kang Mangamba,” na napapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Malaki ang posibilidad na magkapatid sina Mira at Joy matapos matuklasan nina Deborah (Eula Valdes) at Agatha (Mercedes Cabral) na nagmamay-ari si Mira ng isang krus na kapareho ng kay Fatima (Dimples Romana), ang ina ni Joy na pinatay nila.

Patuloy namang magiging sakim sina Agatha at Deborah dahil itatago nila ang nalalaman nila tungkol sa pagkakaugnay nina Mira at Joy. Sa kabila nito, mabubuhayan naman ng loob si Joy dahil sa bagong impormasyong natuklasan niya mula sa kanyang lola: na maaaring may mas nakatatandang kapatid pa si Joy.