Sa latest episode ng ‘Shout Out Andre,’ ang up-and-coming Kapuso actress na si Angela Alarcon ang naka-kuwentuhan ni Andre Paras.
![](https://phentertainment.net/wp-content/uploads/2020/07/andreangelabonding.jpg)
Sa kanilang panayam, mas nakilala ni Andre ang kanyang kapwa showbiz royalty. Nagkamustahan ang dalawa tungkol sa kanilang mga pinagkakaabalahan ngayong quarantine at pati na rin ang kani-kanilang YouTube channel. At pati nga raw relationship status nila ay napag-usapan din?
Ano kaya ang mga rebelasyong ibinahagi nila? Panoorin ang nakaaaliw na interview ng dalawang Kapuso stars sa YouTube channel ni Andre.