in

ANC anchor Cathy Yang, kinilala bilang pinakamahusay na news presenter sa buong Asya

Muling nagbigyan ng karangalan sa bansa ang ABS-CBN News Channel (ANC) anchor na si Cathy Yang sa pagbubukas ng bagong dekada matapos siyang tanghaling Best News Presenter sa ika-24 Asian Television Awards na ginanap sa Manila.

Kinilala para sa kanyang programang “Market Edge with Cathy Yang,” sinabi ng anchor na malaking bagay sa kanya ang matanggap ang parangal bilang isang Kapamilya.

”Nagsimula ako bilang Kapamilya kung saan marami akong natutunan. Tapos nagtrabaho ako sa Tokyo at Hong Kong at ngayon narito ulit ako. Salamat sa ANC at mga Kapamilya sa suporta,” aniya.



Bukod sa “Market Edge,” host din si Cathy ng “The Boss” at “Business Nightly” na pawang napapanood sa ANC. Ito na ang ikaapat niyang parangal mula sa Asian Television Awards matapos manalo ng tatlong beses noon para sa isang regional news network. Bago ang panalong ito, nagwagi rin siyang Best News or Current Affairs Presenter sa Asian Academy Creative Awards noong Disyembre sa Singapore.

Panoorin si Cathy Yang mula Lunes hanggang Biyernes sa “Market Edge” ng 3 pm at sa “Business Nightly” ng 7:30 pm. Mapapanood rin siya sa “The Boss” tuwing Huwebes ng 7:30 pm sa ANC o iWant.

Para sa karagdagang balita, i-follow ang ABS-CBN News Channel sa Facebook at Twitter (@ANCalerts) o pumunta sa news.abs-cbn.com/anc. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram, o bisitahin ang abs-cbn.com/newsroom.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Comments

0 comments

ABS-CBN tinutukan ng sambayanang Pilipino noong 2019

Bagong season ng ‘Mathdali’ sa Knowledge Channel simula na