in

Alyssa Valdez, Anji Salvacion, Brenda Mage, Madam Inutz, at Samantha Bernardo, pasok sa ‘PBB Kumunity’ Final 5

Opisyal nang hinirang bilang “PBB Kumunity” Celebrity Edition Final 5 sina Alyssa Valdez, Anji Salvacion, Brenda Mage, Madam Inutz, at Samantha Bernardo.

Ngayong lima nalang silang natitira sa bahay ni Kuya, malalaman na sa takdang panahon kung sino ang tatanghaling Top 2 ng “PBB Kumunity” Celebrity Edition.

Sa susunod na mga araw, masusukat ang lakas, determinasyon, at diskarte nina Alyssa, Anji, Brenda, Madam Inutz, at Samantha sa gagawing 10 Million Kumu Diamonds Challenge. Para sa unang task, kailangan i-rank ng housemates ang sarili mula 1 hanggang 5 base sa ambag nila sa loob ng bahay ni Kuya.


Sa naging PBB 8th eviction night noong Disyembre 26 naman, inanunsyong evictees sina Alexa Ilacad at KD Estrada na nakakuha ng 17.03% at 16.99% na pinakamababang boto.

Naging dikit ang labanan sa pagitan ng limang housemates, kung saan nanguna si Anji na may 19.18% na sinundan nina Madam Inutz (18.92%), at Samantha (17.98%).

Samantala, naging makabuluhan din ang Pasko ng celebrity housemates sa matagumpay nilang weekly task, kung saan nakapagbigay sila ng P1 milyon para sa mga Kapamilyang nasalanta ng bagyong Odette.

Umapaw din ang saya sa ginawang “PBB Kumu Big Paskoncert” dahil bukod sa kanilang solo performances, sinorpresa rin ang bawat housemate ng mga mahal nila sa buhay. Ang iba sa kanila nakatanggap ng mga mensahe, habang ang iba naman naka-duet at nakausap pa ang mga Kapamilya nila.

Simula na ring makikilala ang mga papasok na adult housemates ngayong linggo.

Sinong housemates ang magiging “PBB Kumunity” Celebrity Edition Top 2? Abangan sa “PBB Kumunity Season 10” Celebrity Edition sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Jeepney TV, A2Z, iWantTFC, at TFC tuwing 5:45 pm mula Lunes hanggang Biyernes at ang replay nito tuwing 11:10 pm ng gabi. Eere naman ito tuwing 7 pm kada Sabado at Linggo. Samantala, mapapanood ang 24/7 livestream ng “PBB Kumunity” sa Kumu.

Tulad sa mga nakaraang episodes, mapapanood din ang bagong evictees na sina Alexa at KD sa “PBB Kumulitan” online show sa Kumu at Facebook.