in

Althea Ablan, sinapian!

Isang babaeng sinasapian ang role ni Althea Ablan sa susunod na episode ng Wish Ko Lang ngayong Sabado (July 24).

Makakasama ni Althea sa kuwento si Rhian Ramos, na isang madreng humarap sa mga pagsubok kaya nagdadalawang-isip na sa kanyang bokasyon. Sa kuwento, namatay sa aksidente ang buong pamilya ni Sister Grace (Rhian) at ng kapatid niyang si Michelle (Ayeesha Cervantes). Ipapaalaga sa kanya si Pauline (Althea) na gaya ni Michelle, ay isa ring rape victim. Magkakaroon ng special bond sina Pauline at Grace, pero unti-unti ring madi-discover ni Grace na sinasapian pala ng demonyo si Pauline.

Kahit hindi first time gumanap ni Althea bilang nasasapian, aminado siyang hindi pa rin daw naging madala sa kanya ang kanyang role. “It’s very challenging. Nung nabasa ko na ‘yung script, nag-internalize na ako para in character na ako pagdating ng set.”