in

Alden Richards, relate sa kanyang latest docu special  

Katulad ng ibang celebrities at business owners, malaki rin ang epekto ng COVID-19 sa Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards kaya naman talagang nakakarelate raw siya sa kanyang bagong project with GMA Public Affairs na “Lockdown: Food Diaries.”

Isang documentary special ang “Lockdown: Food Diaries” na mapapanuod ngayong Linggo (September 27), 3:45 pm sa GMA. Tampok dito ang epekto ng pandemic sa food sector.
 
Sa dokyu, susubukan ni Alden ang mga pagkaing pumatok nitong quarantine. Pero bukod dito, ipapakita rin niya ang pagiging maabilidad ng Pinoy upang kumita sa gitna ng pandemya.  “Saludo po kami sa inyo at binibigyan ninyo kami ng inspirasyon na ‘wag sumuko sa laban ng buhay ngayon.”
 
Ibabahagi rin ni Alden kung paano niya hinarap ang pandemic bilang isang business owner. “Nagkaroon lang ng certain adjustments and scheduling,” say nito. “Kasi para sa amin po, mas importante ‘yung tao, ‘yung staff more than income na nage-generate ng mga restaurants namin. Kasi hindi naman po kami kikita kung hindi din dahil sa mga taong nagtatrabaho at naghihirap every day.”
 
Sa Linggo na (September 27) mapapanuod ang “Lockdown: Food Diaries,” 3:45 p.m. sa GMA Network. (30)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Comments

0 comments

Noli de Castro, nananatiling tapat na Kapamilya; umani ng iba’t-ibang reaksyon sa social media

Rocco Nacino, emosyonal sa surprise ng girlfriend