in

Alden Richards’ reality concert, finalist sa NYF Awards!

Pasok ang virtual reality concert ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards na “Alden’s Reality” sa short-listed entries mula sa Pilipinas sa 2021 New York Festivals (NYF) “World’s Best TV and Films” Competition.

Ang nasabing kauna-unahang virtual reality concert sa bansa ay nominado sa ilalim ng Entertainment Special: Special Event category. Bukod sa Alden’s Reality, finalist din sa NYF ang Kapuso Mo, Jessica Soho, Reel Time, Reporter’s Notebook, at The Atom Araullo Specials. Ang Kapuso Network nga ang may pinakamaraming shortlisted entries mula sa Pilipinas dahil 5 finalist nominations ang nakuha nito.

Matatandaang ginanap ang Alden’s Reality na produced ng Synergy: A GMA Collaboration noong Disyembre bilang selebrasyon ng isang dekada ni Alden sa showbiz. Ito rin ang kauna-unahang international nomination ng nasabing hit concert.