in

Agot Isidro at Christian Vasquez nahuling naglampungan ni Raymond Bagatsing sa ‘La Vida Lena’

Ubos na ang pasensya ni Lukas sa asawang si Vanessa (Agot Isidro) matapos niya itong mahuling nakikipagkita na naman nang palihim kay Conrad (Christian Vasquez) sa teleseryeng “La Vida Lena” na napapanood sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Sa sobrang galit ni Lukas, pinagbawalan niya si Vanessa na lumabas ng bahay at makipag-usap sa iba. Ito ay matapos ipamukha ni Lukas kay Vanessa ang litratong nakuha niya kung saan yakap-yakap ni Conrad ang asawa sa naging pagkikita nila.

Malaki rin ang problema ni Vanessa dahil bukod sa pagpalya ng plano ni Conrad na ipaligpit si Lukas, napatay mismo ng anak nilang si Adrian (JC De Vera) ang taong papatay sana kay Lukas. Tuliro rin si Adrian dahil hindi siya makapaniwalang nagawa niya iyon habang pinoprotektahan ang sikreto ng mga totoong magulang niya.


Mapapanood din sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV ang “La Vida Lena,” na nakasama sa listahan ng mga pinakapinapanood na TV programs sa multicultural Asian homes sa U.S. noong Setyembre. Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.