in

‘Agimat ng Agila,’ maaksyon ang pagtatapos!

Ngayong Sabado (July 24) ay matutunghayan ang pinakahihintay na tunggalian sa pagitan ng mga tagapagmana ng kapangyarihan ng Agila at Bakunawa sa finale ng top-rating fantasy drama series na ‘Agimat ng Agila.’

 Noong nakaraang linggo ay nakatanggap ng makamandag na halik si Gabriel (Ramon “Bong” Revilla, Jr.) mula kay Serpenta (Michelle Dee) matapos niyang makipaglaban kay Maya (Sanya Lopez) na bihag naman ng kapangyarihan ng bertud ng Bakunawa.  

Sa pagtatapos ng serye ay susubukang iligtas ni Gabriel si Maya mula sa kaniyang ama na si Alejandro (Roi Vinzon) na siya na ngayong may hawak sa bertud ng Bakunawa at sa mga mapanira nitong plano.