in

ABS-CBN News, lumawak pa ang naabot sa mundo sa streaming ng ANC at Teleradyo shows sa YouTube

Mas marami pang Pilipino sa mundo ang maabot ng ABS-CBN News dahil live nang mapapanood na sa labas ng bansa ang ilan sa mga pinagkakatiwalaang programa nito sa YouTube simula ngayong buwan ng Marso.

Kabilang dito ang “Matters of Fact” ni Christian Esguerra at “Headstart with Karen Davila” na napapanood sa cable TV news channel na ANC, o ABS-CBN News Channel. Mapapanood rin sa YouTube ang episodes ng “Top Story” kasama si Denice Dinsay, isa pang programa sa ANC.

Matutuwa rin ang global Filipinos na masugid na tagapakinig o manonood ng TeleRadyo dahil maaari na rin nilang mapanood ang “Sakto” nina Amy Perez, Johnson Manabat, at Jeff Canoy, “TeleRadyo Balita” ni Kabayan Noli De Castro at Joyce Balancio, “On the Spot” nina Danny Buenafe at Tony Velasquez, at “SRO” nina Alvin Elchico at Doris Bigornia.

Una nang binuksan ng ABS-CBN News sa ibang bansa ang YouTube livestream ng flagship news program nito na “TV Patrol” noong Nobyembre sa patuloy na pagpapalakas nito ng presensya sa mundo at sa digital.

Kasulukuyang mayroon nang 11.8 milyong subscribers ang YouTube channel ng ABS-CBN News na tumanggap ng YouTube Diamond Creator Award noong 2020. Dito mapapanood ang newscasts, current affairs na palabas, live coverage ng mga balita, at iba pang digital exclusives.

Maliban sa YouTube, mapapanood din ang ibang programa ng ABS-CBN News sa news.abs-cbn.com, sa ABS-CBN News Facebook page (facebook.com/abscbnNEWShttps://facebook.com/abscbnNEWS), sa ABS-CBN News app, at iWantTFC.

Para sa balita, i-follow ang @ABSCBNNews sa Facebook at Twitter, mag-subscribe sa ABS-CBN News YouTube channel, at pumunta sa news.abs-cbn.com. Para sa Kapamilya updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram o bumisita sa www.abs-cbn.com/newsroom<http://www.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Apat na primetime shows ng ABS-CBN Entertainment, mapapanood na sa TV5

Barbie Imperial, umuwi sa tunay na pamilya sa ‘Bagong Umaga’