in

ABS-CBN nangakong mag-iimbestiga, Jobert Sucaldito biglang nagsorry

Talagang naging talk of the town ang naging statement ni Jobert Sucaldito na piniling kumampi sa kasamahan sa panulat na si Ricky Lo against kay Nadine Lustre.

Pagkatapos ng mga maaanghang na salita sa kanyang programa sa DZMM at sa kanyang Facebook account ay dagsa rin naman ang mga reaksyon sa social media lalo na sa Twitter na nagtrend ang pangalan niya. Karamihan ng reaksyon ay pumapanig naman kay Nadine lalo na’t maraming ‘woke’ sa Twitter lalo na’t tungkol sa Mental Health. Kahit mga taong showbiz ay nagpakita ng disgusto sa mga binitiwang salita ni Jobert.

Ngayon namang umaga ay agad na nagpost sa Twitter and ABS-CBN News head na si Ging Reyes ay nangakong bibigyan ng aksyon ang mga hinaing ng mga netizens at iimbestigahan ang isa sa mga DZMM anchors na si Jobert.



Mukhang hindi kinaya ni Jobert ang social media pati na rin ang naging pahayag ng head ng ABS-CBN News kaya agad itong nagsorry sa kanilang show ni Ahwel Paz sa DZMM.

“I would like to apologize to Ms. Nadine Lustre and to those who got bothered by that sa aspetong ito. I am also apologizing to my radio network DZMM for putting them in discomfort because of this.”

Written by Catri Onay

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Comments

0 comments

FDCP, ibinida ang mga bagong incentive at programa matapos ipatigil ng Korte Suprema ang Amusement Tax Privilege para sa Graded Films

ABS-CBN tinutukan ng sambayanang Pilipino noong 2019