in

Angela Alarcon, pangarap gumanap ng isang action role

Sa nakaraang episode ng online show na ‘In The Limelight’ ng GMA Artist Center, ibinahagi ng Kapuso actress na si Angela Alarcon na pangarap niyang magamit ang Taekwondo skills niya sa kanyang future projects. 

Gusto raw ni Angela na magkaroon ng isang action role dahil sa hilig niya sa sports, “Dream project ko talaga ever since is maging parte ng isang action teleserye. Pwedeng-pwede ko magamit ‘yung Taekwondo skills ko at martial arts. Mahilig talaga ako sa sports kaya pwedeng-pwede ko rin magamit ‘yung pagiging brusko ko sa action teleserye. At saka gusto ko rin mag-portray ng strong, adventurous, independent woman roles so hopefully magkaroon ‘nun in the future.”

Parte si Angela ng UP Taekwondo Varsity Team noong nag-aaral pa lamang siya.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Cast ng ‘Magkaagaw,’ naghahanda nang bumalik sa taping  

Dyan Castillejo, patuloy na ibinabandera ang Sports at Kalusugan sa ‘Sports & U’