in

Cast ng ‘DOTS Ph,’ mas naging close dahil sa lock-in taping  

Sa guesting nila sa Kapuso ArtisTambayan, ikinuwento ng cast members ng ‘Descendants of the Sun: The Philippine Adaptation’ na mas naging close sila dahil sa lock-in taping noong nakaraang buwan.

Pagbabahagi ni Dingdong Dantes, “Mas naging tight nga ‘yung samahan kasi imagine tuloy-tuloy kami magkakasama kahit na medyo challenging pero masaya pa rin, ‘di ba? Mas naging close pa nga kami dahil sa lock-in taping kasi prior to that maganda na ‘yung working relationship naming lahat, e.”

Kahit na magkakahiwalay ang tent at mahigpit silang sumusunod sa social distancing, nagawa pa rin daw nilang mag-bonding sa free day nila.

Kuwento ni Jennylyn Mercado, “Noong nag-lock in, magkakahiwalay kami ng tent tapos magkikita-kita lang kami sa set tapos kapag free day namin, si Jasmine nagwo-workout, sila Dong, nagwo-workout. Nakaka-miss lang ‘yung masayang samahan ng DOTS kasi para na kaming isang pamilya.”

Mapapanood na muli ang ‘Descendants of the Sun: The Philippine Adaptation’ simula ngayong Lunes, October 26, pagkatapos ng ‘Encantadia’ sa GMA Telebabad.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Yasmien Kurdi, bilib sa anak  

Heart Evangelista, kontra sa gender-based violence