Isang throwback video ng kanilang mother-daughter bonding ang ibinahagi ni Kapuso actress Yasmien Kurdi sa kanyang Instagram kung saan tumutugtog sila ng kanyang anak na si Ayesha ng piano.
Sa caption ng video, ikinuwento ni Yasmien na mas nakilala niya ang anak sa gitna ng pandemya.
Aniya, “Ang dami kong na discover sa baby ko ngayong #StayAtHome, mas nakakapag-bond kami, nanonood ng movies together, ‘yung tipong naubos na namin yung mga palabas for kids sa #netflix, kaya naman gumagawa kami ng mga fun activities dito sa bahay…”
“Pero since last year pa naman bago pa mag pandemic, nahilig na talaga si AZ mag piano kaya naman pina-piano lesson namin siya kay Teacher Joanne last year ng mga April. Tapos ngayon, Voila! nakakatuwa! ang galing na niya … pagaling siya ng pagaling mag piano everyday…,” dagdag pa niya.
“Pati ako tinuturuan niya pero di ko parin ma-gets haha! siguro dahil iba talaga kapag bata ka pa nag start mag-aral ng piano. Sharing this video sa inyo… #throwback video, early this year noong kaka #lockdown palang sa Metro Manila #mylittlepianist #FurElise #icanthelpfallinginlovewithyou,” lahad pa ng Kapuso actress sa kanyang post.
Samantala, kabilang na rin si Yasmien sa listahan ng TikTok millionaires dahil mayroon na siyang one million followers sa kanyang official account.