in

Rhian Ramos, tinuruan ng Tagalog ang nobyong foreigner

Hindi pinaglapas ng Love of my Life star na si Rhian Ramos ang ipinatupad na enhanced community quarantine para gamitin ang kanyang oras sa bahay at maka-bonding ang fans at followers nito online.

Sa kanyang Twitter, masaya at game na game na sinagot ni Rhian sa #AskRhian ang mga questions ng netizens. Isa na riyan ay kung may alam na raw bang Tagalog words ang Israeli boyfriend nitong si Amit.

“Wala akong tinuturo sa kanya… alam niya before pa yung grabe, ano, naman, diba, kuripot, utot,” nakakaaliw na sagot ni Rhian.

Matapang naman nitong sinagot ang tanong kung may nakakausap pa raw ba siyang ex-boyfriend niya, “No, never, none of them.

Pero baka naman I’ll say hi if nakita ko sila somewhere,” saad ng dalaga. Inamin din ni Rhian na dahil sa ECQ at hindi nito nakikita ang family at nagiging moody na siya, “I just want to go home to Alabang where my mom is, I’m getting angsty and going there always puts me in a good mood.”

Pansamantala namang napapanood ang My Husband’s Lover sa timeslot ng pinagbibidahang series ni Rhian na Love of my Life sa GMA Telebabad.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Mavy at Cassy Legaspi, pinanggigilan ng netizens ang baby video

Marian Rivera at Dingdong Dantes, simpleng selebrasyon ang handog kay baby Ziggy