Perfect fit talaga para sa Kapuso actress na si Sanya Lopez ang role ni Yaya Melody sa upcoming GMA primetime series na ‘First Yaya.’
Ayon sa interview ng aktres sa GMA Network, malapit daw sa kanyang pagkatao ang karakter ni Yaya Melody, “Alam niya kung paano hawakan ‘yung isang bagay, ‘yung isang sitwasyon. Si Melody ‘yung parang kahit anong ibigay mo sa kanya pakiramdam mo kakayanin niya. Very positive siyang tao and sobrang matutuwa ka sa kanya.”
Sa susunod na buwan ay sasabak na ang cast ng ‘First Yaya’ sa kanilang lock-in taping. Dahil diyan, patuloy ang preparasyon ni Sanya para sa proyekto kung saan makakatambal niya ang Kapuso actor na si Gabby Concepcion. Abangan ang kakaiba at exciting na soap na ito soon sa GMA-7!