Tampok sa brand new episode ng ‘Magpakailanman’ ang buhay ni Lairca Nicdao, ang Pinay na gold medalist sa Women’s Junior Single Class 1 event ng 2019 World Para Dance Sport Championships na ginanap sa Bonn, Germany. Gaganap bilang Lairca ang Kapuso star na si Bianca Umali.
Anim na taong gulang pa lang si Lairca nang maputulan ng paa dahil sa bone cancer. Pero hindi ito naging hadlang para maabot ang mga pangarap niya.
Ngunit bago maging world champion, ano nga ba ang naging buhay ni Lairca?
Makakasama ni Bianca sa episode na ito sina Nikki Co at Dave Bornea. Abangan ang “Sayaw ng Buhay: The Lairca Nicdao Story” ngayong Sabado, October 24, 8:15 pm sa #MPK.