Sunod-sunod ang mga exciting na handog ng KTX.PH, ang website para sa mga bagong palabas online. Isa na rito ay ang kaabang-abang na kauna-unahang digital movie series na “The House Arrest of Us,” tampok ang box office stars na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, na magsisimula sa Sabado (Oktubre 24).
Mapapanood ang magkasintahan bilang ang newly-engaged couple na sina Korics (Daniel) at Q (Kathryn) na dadaan sa matinding pagsubok.
Sa araw ng pamamanhikan ni Korics sa tahanan ng pamilya ni Q, hindi magiging maayos ang turingan ng bawat pamilya dahil sa kani-kanilang magkaibang personalidad. Makakaramdam ng pagkainis ang nanay ni Korics na si Berna (Arlene Muhlach) sa pinapakitang ugali ng nanay at tatay ni Q na sina Zenaida (Ruffa Gutierrez) at Slyver (Herbert Bautista).
Tulad naman ni Berna, puno ng pagka-asiwa ang mamumuo kina Zenaida at Slyver lalo pa sa biglang pagdating ng tatay-tayan ni Korics na si Papawan (Gardo Versoza). Titindi ang away ng dalawang pamilya nang mapilitan silang magsama sa isang tahanan sa simula ng lockdown.
Makakasama din sa digital movie series sina Riva Quenery, Anthony Jennings, Alora Sasam, Dennis Padilla, Hyubs Azarcon and Summer Ford.
Mauna nang manuod ng “The House Arrest of Us” sa KTX.PH. May 5% discount hanggang bukas, Oktubre 23. Witness the pilot episode this Saturday (October 24), 2 PM until Sunday (October 25), 2 PM.
Labintatlong episodes ang mapapanood ng fans sa halagang P499. Maliban sa series, may tatlong surpresang fan conference at behind-the-scenes feature na hinanda ng cast, Star Cinema at KTX.PH
Sinundan ng “The House Arrest of Us” ang ilang mga naging matagumpay na KTX.ph offerings tulad ng “New Normal” ni Jed Madela, “Tayo Hanggang Dulo” ng JaMill, “20k20″ ni K Brosas’, ang “Hello Stranger: Finale Fancon,” at ang “Apollo: A Daniel Padilla Digital Experience.”
Abangan ang iba pang exciting experiences mula KTX.PH.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.