in

Ultimate ‘Bida Star,’ nahanap na ng ABS-CBN Star Hunt

Malapit nang sumabak ang pinakabagong Kapamilya artist sa pag-arte dahil napili na ng ABS-CBN Star Hunt and pinaka-unang Ultimate Bida Star sa 18-year-old na si Cherry Mendoza ng Rizal noong Martes, (Oktubre 13).

Nakamit ni Cherry ang 82.66% ng combined KTX at KUMU votes at mentors’ grade at nag-uwi ng  P25,000 at ang pagkakataong makasama sa isang digital project mula sa ABS-CBN TVDG kasama ang iba pang Star Hunt celebrities.

Ayon kay Cherry, muntik na siyang sumuko sa hangarin niyang maging artista. Buti na lang na pinalad siyang makasali ng Bida Star, na nagbigay sa kanya ng kumpyansa para ipagpatuloy ang pangarap.

“I joined Bida Star kasi I wanted to reignite my passion for acting kasi parang nawawalan na ako ng pag-asa na magiging actress ako. I have always wanted to show off my talent and skill sa acting pero parang the universe didn’t or never wanted me to continue. So I told myself na this competition will be the last chance na ibibigay ko sa sarili ko and it will decide kung tutuloy pa ako sa acting or not. Joining Bida Star is a game-changer for me,” sabi niya.

Hindi raw inasahan ni Cherry ang manalo. “Hindi ko ineexpect na ako yung magiging winner kasi throughout this journey nahirapan ako and alam ko na ang dami ko pang pwedeng ibigay. I know may mga times na hindi ko nagagawa ng maayos. I’m proud of myself kasi lagi akong naging background ng buhay ko and ngayon nandito na. I have a stage for myself,” saad niya.

Binahagi rin niya ang challenges na kanyang hinarap sa pagsali sa isang online contest. “Nahirapan ako ilabas lalo yung emotions ko kasi screen lang yung kaharap ako and walang sumasagot sa akin. Marami rin distraction kasi nasa bahay ka lang and di mo masyadong nafe-feel yung weight ng responsibility mo as an actor so madalas super chill ka lang,” sabi niya.

Samantala, si Star Dreamer Eryka Lucas ang 2nd place sa pagtala niya ng total combined KTX and KUMU votes and mentors’ grade of 76.16%. Sinundan naman siya ni Kenneth Co nakakuha ng 66.33%, at Devine Plaza na nagkamit ng 64.83%. Nagtapos naman bilang 5th placer, Kizzen Espinoza, RJ Cruz bilang 6th Placer, Clari Ynes bilang 7th Placer, Vanessa Robellos bilang 8th Placer at sina Jade Keller at Ethan Chan ang 9th and 10th Placers.

Nagtrending naman nationwide ang tagline ng finale na “Bida Star Final Act” sa Twitter at umani ng libu-libong tweets mula sa fans ng sampung finalists at ng hosts na Star Hunt artists na sina Karina Bautista at Aljon Mendoza.

Tumakbo nang six weeks ang unang online talent search ng bansa kung saan 50 Star Dreamers ang nakuha mula sa libu-libong online auditionees. Sumailalim ito sa iba’t ibang acting challenges at mula sa 50 na hopefuls ay naging 24 na lang noong 3rd week at 18 naman ng ika-4th week. Sa pagbibigay ng virtual gifts sa KUMU tuwing livestreams ng Star Dreamers at voting tickets sa KTX.PH ang naging basehan ng botohan . Ang 24 Star Dreamers na natira ay pinalad na maturuan ng Bida Mentors na sina Jojit Lorenzo at Direk JP Habac.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Sanya Lopez, honored na mapili bilang First Yaya  

Eugene Domingo at Tom Rodriguez, bibida sa bagong episode ng ‘Dear Uge’