in

Hallypop, maraming sorpresa para sa Pinoy viewers

Ramdam na ramdam ang Hallypop wave dito sa Pilipinas! Inabangan ang pagdating ng pinakaunang Asian pop culture digital channel dito sa bansa noong September 20 kaya naman hindi nakakapagtakang nag-trending sa top spot ng Twitter Philippines ang hashtag na #GMAHallypopPremiere.

Bukod dito, mayroon nang mahigit 131,000 likes ang official Facebook page ng GMA Hallypop. 

Balita nga namin marami pang sorpresa at exciting shows ang darating sa Hallypop sa mga susunod na linggo, kabilang ang K-pop, Asian music, at pop culture programs mula sa South Korea, China, at Southeast Asia na maaaring panoorin 24/7. 

Para makakuha ng exclusive at fresh content tungkol sa paboritong Asian shows at idols, bisitahin lang ang official Facebook, Twitter, at Instagram page ng digital channel o kaya’y pumunta sa GMANetwork.com/GMAHallypop para sa latest updates. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Hannah Precillas, ramdam ang suporta ng Indonesian fans

‘Pepito Manaloto: Kuwento, Kuwento!’ mapapanood na ngayong Sabado!