Tuluyan pang pinalalakas ng ABS-CBN ang livestream entertainment offerings nito sa paglulunsad ng tatlong digital channels na For Your Entertainment (FYE), Game KNB, at MYX PH, tampok ang all-original content na mapapanood ng mga Pilipino nasaan man silang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng community platform na Kumu.
Hatid ng bonggang proyekto ang Kapamilya personalities na ngayon ay streamers na rin tulad nina Angelica Panganiban, Bianca Gonzalez, Ces Drilon, at Robi Domingo sa iba’t ibang kuwelang programa sa Kumu.
Handa na ang “Game KNB?” (@gknb) na maghatid ng makabagong game show experience sa mga manonood sa pag-arangkada nito sa Kumu Lunes hanggang Biyernes, 12nn simula Oktubre 12.
Madali lang sumali sa palaro at manalo ng hanggang Php 10K araw-araw sa unang season nito. Mapapanood din ang pagbabalik ng pambansang game show sa Jeepney TV, kasama ang bagong host nito na si Robi Domingo.
Samantala, nagsimula lamang noong Hulyo ang FYE (@fyechannel) pero mayroon na itong 120K followers na inaabangan ang celebrity streamers sa paghahatid nila ng good vibes, mga palaro, at performances.
Puno ng katatawanan ang mga programang “Awaaards Night,” “Kwentong Macoy,” “Pop-Up Comedy Bar,” at “Lakas Tawa.” Tampok naman ang mga artista na ka-interact ang kanilang fans sa “Ambagets, “RISE Here, Right Now,” and “We RISE Together.” Masasayang kwentuhan ang hatid ng “Bawal Ma-Stress Drilon,” “Hey Hershey,” “Kumustahan with Fr. Tito Caluag,” “Metro Chats,” “Metro K-Drama Club,” “MYXclusive,” “Pop Cinema,” “Secret Ladies Club,” “Talak ni Mameh Grace,” and “The Best Talk.” May dala namang beauty at fashion tips ang “Beauty and the Besh,” “Manhacks” at “Style Me Now,” at positive vibes ang “Chink Positive” at ang “Hanz Swerte! Hanz Saya!”