Ngayong Huwebes (October 8), tampok si Jenzel Angeles sa “DOTS: How To Do It!” kung saan ipapakita niya kung paano gumawa ng simple ngunit festive na Christmas decorations.
Live na mapapanood ang video at 7 p.m. sa official Facebook page ng ‘Descendants of the Sun Ph’.
Samantala, nalalapit na rin ang pagbabalik sa primetime ng DOTS. Pagbabahagi ni Jenzel, kapana-panabik ang mga susunod na eksenang mapapanood ng Kapuso viewers. “Abangan po natin ang mangyayari sa love story nina Doc Beauty and Captain Lucas, at syempre sa mga panganib na sabay-sabay haharapin ng special forces at medical team. I’m sure na madami pong mapapasaya, mapapaiyak, and kikiligin sa pagbabalik ng DOTS Ph.”