in

Yasmien Kurdi, proud sa ‘I Can See You: The Promise’

Masaya ang Kapuso actress na si Yasmien Kurdi sa overall outcome ng pinagbibidahan niyang GMA drama anthology na ‘I Can See You: The Promise’.

Ang ‘The Promise’ ang ikalawang installment ng weekly series na ‘I Can See You’ kung saan kasama niya ang mahuhusay na Kapuso stars na sina Paolo Contis, Andrea Torres, Maey Bautista, at Benjamin Alves.

Bukod daw sa nakakamanghang cinematography at kakaibang kwento, proud din ang Kapuso actress sa kanilang breathtaking location na ipinapakita ang ganda ng Pilipinas.

“Ang ganda rin kasi karamihan sa atin ngayon nasa bahay, hindi tayo nakakalabas dahil quarantine nga, itong I Can See You: The Promise, makikita nila ‘yung ganda ng Pilipinas,” ani Yasmien.

Hindi tuloy kataka-taka na sinusubaybayan at trending gabi-gabi ang mini series. Huwag nang magpahuli at tumutok na sa ‘I Can See You: The Promise’, 9:15PM, sa GMA Telebabad.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Daniel Padilla, ibibida ang ebolusyon bilang artist sa digital concert na ‘Apollo’

‘All-Out Sundays,’ star-studded ang episode ngayong Linggo!