Hindi pinalampas ng mga manonood at netizens ang pagbabalik ng ‘Temptation of Wife’ sa telebisyon simula nitong Lunes (October 5).
Marami ang naka-miss sa mga karakter nina Marian Rivera, Dennis Trillo, Glaiza De Castro, at Rafael Rosell sa Philippine adaptation ng Korean drama na unang ipinalabas sa GMA-7 noong 2012. Hanggang ngayon, ramdam pa rin ang kapana-panabik na kuwento at mga bigating eksena sa serye.
Ayon sa user na si @theonlyMengYoon, “Done na manood ng Temptation of Wife sarap lang balikan hahahaha. Nangigigil nanaman ako kay Heidi.”
May mga nagre-request pa nga ng mas mahabang timeslot para sa programa.
“Nabitin kami dun ah!,” tweet ni @potpotgalwell.
Subaybayan ang kuwento ng pakikiapid at paghihiganti sa Temptation of Wife mula Lunes hanggang Sabado, bago mag-Eat Bulaga GMA-7.